Purple Dribbled Life

Anak ako ng isang tricycle drayber at tindera sa palengke

Haiku & Tanaga (0)

5:36 PM by , under , ,

DELAYED

Malanding dalaga
Bumuka bukaka
Tinira ni binata




TIGYAWAT

maumbok at mapula
makintab, 'kairita
masakit kyat piniga
lumabas daming nana





Mula dito at dito ang mga larawan



Links to this post | edit post

I'm a hundred million pesos richer! (6)

4:38 PM by , under



Links to this post | edit post

4 Liner (2)

5:08 PM by , under

Gusto ko munang ipikit ang aking mga mata at namnamin ang dilim na nakikita
Gusto kong takpan ang aking tenga at itaboy ang sarili sa nakakabinging katahimikan
Gusto kong mamanhid ang buo kong katawan at nang hindi maramdaman ang pagkurot ng mundo
Gusto ko... Tengina naman! Eyngi na nga lng ng pera wala lang ako anju kaya ganito!



Links to this post | edit post

Happy-ness (8)

3:44 PM by , under

Nakagawian ko na ang maglakad pauwi sa apartment tuwing manggagaling ako sa maghapong pakikipagbuno sa trabaho sa opisina. Bukod sa nagtitipid sa kaunting pera na laman ng aking bulsa sa ganitong pagkakataon din kasi mas nare-refresh ang utak ko sa mga nakikita ko sa aking paligid at mga nadadaanan. Kung minsan may mga makakasalubong akong mga pamilyar na mukha- mga kakilala, kasamahan sa trabaho o mga estudyante.

Madami ka makikita sa paglalakad. Magagarang bahay, barong-barong, mga tambay sa kanto, mga tindahan ng ukay-ukay at buy-one-take-1 na computer, tindahan ng lechon liempo at manok, lugawan, mga magsyota na nagdi-date at kung ano ano pa. Pero kahit iba-iba ang nakikita ko may isang bagay silang pagkakapareho- bakit lahat sila mukhang masaya sa buhay nila?

Bakit yung ibang tao, parang nahanap na nila yung kaligayahang hinahangad nila? O sadyang masayahin lang tayong mga Pinoy? O di kaya sadyang mali lang ang obserbasyon ko? Bakit para sa iba, parang ang simple lang ng buhay?

Natanong ko nga sa sarili ko ano ba ang makakapagpaligaya sa akin? Ikaw, para sayo ano makapagpapaligaya sayo?

Sinubukan kong isa-isahin sa utak ko yung mga bagay na sa tingin ko makapagpapaligaya sa akin, at eto lumabas sa listahan ko
* Sariling bahay at lupa
* Marangal na trabaho
* Ipon sa bangko
* Maalwan na buhay
* Mga materyal na bagay (kotse, gamit sa bahay, gadgets, etc.)

Eto kasi yung mga nakikita kong meron ang ibang tao na kinaiinggitan ko. Kapag meron ka kasi neto parang ang sarap mabuhay. Ang sarap ng buhay!

Alam ko naman ang kakayahan ko, at alam ko din kung ano lang ang meron ako. Siguro sa pagtatantiya ko makukuha ko ang mga bagay na yun kung gagawin ko ang mga sumusunod:

* Sumali sa Wowowee, Game ka na ba? or mga gameshow at reality show. shempre kailangan ko manalo
* Mapanaginipan ang winning combination sa lotto
* Mamasukang tagakuskos ng kubeta sa abroad sa loob ng 30 years ng walang uwian.
* Magbenta ng ibat-ibang organ- mata, bato, baga, puso, bayag!( mukhang kulang pa rin mura kasi bilihan dito sa atin)
* Maging buksengero at kasing galing ni pacman
* Sumali sa sindikato

Tangina! Madami pala akong kailangang bunuin para maging masaya. Pera pera lang lahat ng to!

******
May napanood akong isang pelikula na ginampanan ng isang magaling na aktor sa Hollywood. Masalimuot ang pinagdaanan ng karakter sa pelikula, ngunit humanga ako sa sa pagpupuysigi ng bida upang makamtan ang kaligayahang hinahangad nya para sa kanyang pamilya.



Pero hindi ako si Will Smith at lalong hindi ako si Chris Gardner para magawa yun!
Gaya ng nasabi ko sa taas- Alam ko kung ano kaya ko at kung ano meron ako.

*****

Pero sa totoo lang, ngayon ko lang napagtanto kung ano talaga yung mga bagy na makapagpapaligaya sa akin.. higit pa sa mga bagay na nakalagay sa listahan sa taas.

Gusto ko lang maging masaya. Ang maging proud sa sarili na nagampanan ko pagiging isang mabuting anak, tatay, at asawa. Ang hindi ipagdamot ang pagmamahal kahit pa maging masama sa mata ng iba. At ang paulit ulit na intindihin ang mga hindi makaintindi sa totoong kahulugan ng TUNAY na pagmamahal at TUNAY na kaligayahan. chos!



Links to this post | edit post

I'm back (2)

7:52 AM by , under

Yep! I'm back to blogosphere (di naman ako totally nawala, di lang ako nakakapagpost) at shempre I'm back sa FEZBUK!

Ilan buwan din simula nung chinever ko yung account ko sa Facebook naipost ko pa nga dito. Ilang buwan din ako umiwas sa conformity (chos!) at sa mga kaetchusan sa paligid ko gaya ng mga update sa mga buhay ng mga contacts ko.

And you might ask ano naman ang nakain ko at biglang nagtoink sa sa utak kong to the highest level para balikan ang site na itech? Well i got my clearance from my jowa para balikan ang pagfezbuk (kasi naman sya nga e bumalik na sa fezbuk mega second to the motion na rin ako) at may isang ninja daw na nakakamiss na sa aking presence sa site nayun (itago na lang natin sa alias na jun lisondra).

Yun nga iba jan nangako na iiwan na ay sikat na social site na yan until now tuloy pa rin sa pagupdate ng status. amft!



Links to this post | edit post